Inagurasyon ng makabagong controlled-climate poultry farm sa Davao del Sur pinangunahan ni Pang. Marcos
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inagurasyon ng Magnolia Poultry Farm sa Davao Del Sur.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ang nasabing poultry farm ay makalilikha ng 1,000 trabaho at produksyon ng 80 milyong manok kada taon.
Ang makabagong controlled-climate Magnolia poultry farm ay pag-aari ng San Miguel Foods.
Tiniyak naman ng pangulo na sa pagbubukas ng pasilidad ay hindi maaapektuhan ang maliliit na negosyo sa lugar, kundi matutulungan pa ang mga lokal na komunidad.
Ayon sa pangulo, isa lamang ito sa mga hakbang para sa sapat at abot-kayang pagkain.
Nananatili aniyang determinado ang pamahalaan para suportahan ang sektor ng agrikultura, maging ang pagpapatatag ng ekonomiya ng Mindanao at ng bawat rehiyon sa bansa. (DDC)