Deputy Mayor sa Jerusalem ibinahagi ang larawan ng Filipina nurse na nasawi sa pag-atake ng Hamas
Ibinahagi ng deputy mayor ng Jerusalem na si Fleur Hassan-Nahoum ang pagkasawi ng isang Pinay na nurse dahil sa pag-atake ng Hamas.
Sa kaniyang post sa Twitter, sinabi ni Hassan-Nahoum na ang nurse na si Angeline mula sa Pilipinas ay nag-aalaga ng elderly patient na si Nira.
Ayon kay Hassan-Nahoum kahit mayroong pagkakataon si Angeline na tumakas ay hindi nito iniwan ang kaniyang pasyente.
Kapwa nasawi si Angeline at Nira sa kamay ng mga Hamas.
“Despite having a chance to flee the Hamas terror attacks, Angeline showed unbelievable humanity and loyalty by remaining Nira’s side during the violence, resulting in both of them being brutally murdered by Hamas. Unimaginable honor in the face of evil,” ayon sa post sa Twitter ni Hassan-Nahoum. (DDC)