Philippine Navy at US Navy nagsagawa ng Gunnery Exercise sa ikaapat na araw ng “Samasama 23”
Nagdaos ng Gunnery Exercise ang Philippine Navy at US Navy sa ikaapat na araw ng isinagasawang “Samasama 23”.
Kabilang sa sinanay ang target acquisition na mahalaga sa naval warfighting readiness.
Gamit sa “Samasama 2023 Exercise” ang BRP Antonio Luna FF151 – PF at USS Dewey (DDG 105).
Sa ginawang Gunnery Exercise ang BRP Antonio Luna ay gumamit ng Aselsan Smash 30mm gun at .50cal gun.
Habang ang Team Dewey ay gumamit ng 25mm Mk38 Machine Gun at .50cal guns.
Pagkatapos ng Gunnery Exercise ay nagsagawa naman ng Air Defense Exercise (ADEX). (DDC)