Pang. Marcos nakipagpulong kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa Malakanyang.
Sa nasabing pulong ay personal na pinasalamatan ng pangulo si Fluss sa tulong ng Israeli Government sa mga Pinoy doon.
Partikular na pinasalamatan ng pangulo ang Israeli Defence Forces sa ginawa nitong pagliligtas sa mahigit 20 Pinoy.
Binigyan din ng briefing ni Fluss ang pangulo hinggil sa pinakabagong kaganapan sa Israel.
Ipinabatid naman ng pangulo ang kaniyang pagkabahala sa ilang pinoy na nananatiling nawawala.
Ayon kay Fluss, ginagawa ng pamahalaan ng Israel ang lahat para masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Tiniyak naman ni Marcos kay Fluss na kaisa ng Israel ang Pilipinas sa laban nito sa ginagawang inhuman terrorist attacks ng Hamas. (DDC)