Taguig’s Center for the Elderly nagseserbisyo na sa EMBO senior citizens

Taguig’s Center for the Elderly nagseserbisyo na sa EMBO senior citizens

Nagsimula nang serbisyuhan ng Center for the Elderly ng Taguig City Government ang mga senior citizens mula sa mga lugar sa EMBO.

Sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ng lungsod ay binuksan ang naturang center para umpisahan ang pagseserbisyo sa kabuuang 100 na senior citizens mula sa Barangay Pembo kung saan napuno ng kasiyahan ang kanilang pagbisita at aktibong sinalihan ang iba’t ibang aktibidad.

Tinamasa ng mga nasabing senior citizen ang komprehensibong paglilibot at nabigyan sila ng oportunidad na makakuha ng mga libreng serbisyo sa pasilidad kabilang ang sauna and massage sessions, foot spas, movie screenings, at refreshments.

Bilang bahagi ng Taguig LGU sa kanyang transpormasyon,masigla at mapag-alagang balakin,nilalayon ng lungsod na bigyan ang mga nakatatandang residente mula sa EMBO ng kauna-unahang karanasan sa napakagagandang mga serbisyo ng pasilidad na hihikayat sa kanilang mag-relax,magpalakas at magpabata.

Tampok sa Center for the Elderly ang isang therapy pool, clinic, sauna and massage room, cinema/mini theater, multi-purpose hall/recreational area, at ng rooftop garden.

Sa naturang pasilidad din isinasagawa ang Taguig Geriatric Program na inilunsad sa pakikipagtulungan ng St. Luke’s Medical Center, na nag-aalok ng komprehensjbong mga serbisyong pangkalusugan sa senior citizens kasama na ang mga konsultasyon at ebalwasyon na ginagawa ng medical professionals.

Tuwing Martes ay isinasagawa ang assessment sa memorya,paningin at pandinig na kakayanan ng senior citizens habang sa Huwebes naman ang Informative lectures at forums ukol sa depression, dementia, osteoporosis, at eating habits.

Bukod sa mga serbisyo at programa, ang Center for the Elderly ay maituturing na lugar para sa senior citizens upang maranasan ang isang malakas na komunidad.

Pinuri ni Bienvenido C. Gonzalez Jr., 66-anyos na residente ng Barangay Pembo, ang pasilidad at mga kawani kasabay ng pagpapasalamat sa Taguig sa pagpaprayoridad sa kapakanan ng mga nakatatanda, at hinikayat niya ang kapwa senior citizens na bisitahin ang center.

“Maganda ang mga facilities. Magagaling din ang mga nag-aassist. Libangan talaga ng mga senior kaya maraming salamat. Sana maakit ‘yung ibang senior na pumasyal. Ako at aking mga kasamahaan na nagpunta rito ay nagpapasalamat sa pamahalaang lungsod ng Taguig. Alam po namin na mas priority niyo ang mga matatanda kaya salamat po sa pagbibigay ng oportunidad para sa ganitong pagtitipon na pati isip mo ay marerelax,” dugtong ni Gonzalez.

Ikinatuwa naman ni Felicidad Paloma, 74-anyos ng Barangay Pembo ang nakuhang libreng masahe sa naturang pasilidad at tiniyak na babalik-balikan niya ang mga nakakawiling mga serbisyo.

“Very good yung pagmasahe sa akin nawala yung sakit ng likod ko. Nawala din yung tusok-tusok sa paa ko. Kapag may chance, babalik at babalik ako rito. Nirerekomenda ko ang mga seniors na manood ng sine dito at maglibang-libang, hindi ‘yung parati lang nasa bahay,” ani Paloma.

Ang pasilidad ay nakatakdang magbigay din ng paglilibot ng ibang senior citizens mula sa mga Barangays Rizal, East Rembo, Cembo, Post Proper Southside, Pitogo, Comembo, Post Proper Northside, South Cembo, at West Rembo sa mga susunod na araw.

Sa patuloy na selebrasyon ng Elderly Filipino Week 2023, ang Taguig ay aktibong abutin ang Taguigueño senior citizens kasama ang mga naninirahan sa EMBO upang salihan ang mga inilulunsad na aktibidad para sa kanila at makakuha ng maraming libreng serbisyo mula sa lungsod. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *