Malaysian national arestado sa ‘panunuhol’ sa Taguig Police

Malaysian national arestado sa ‘panunuhol’ sa Taguig Police

Sa kulungan ang bagsak ng isang Malaysian national matapos umanong tangkaing suhulan ang mga umarestong pulis sa kababayan nitong na nahaharap sa mga asunto, sa loob ng presinto sa Taguig City.

Agad inaresto ang suspek na si alyas Jack Boo, 33-anyos, isang Malaysian national dahil sa paglabag sa Article 212 of the Revised Penal Code.

Dinakip sa loob ng Taguig City Police Substation 1 sa Bonifacio Global City (BGC) ang suspek matapos tangkang suhulan ng P30,000 ang mga pulis na umaresto sa kasama niyang Malaysian national na kinilalang si alyas Chong kapalit ng pagpapalaya dito.

Si alyas Chong ay unang inaresto ng otoridad dahil sa mga paglabag sa Article 151 o Disobedience to an Agent of Person in Authority, Resisting Arrest, Alarm and Scandal, Unjust Vexation, at Oral Defamation.

Nasa impluwensiya umano ng alak at naninigarilyo si alyas Chong sa parking area na nasa ‘no-smoking zone’ sa labas ng restaurant sa BGC nang madatnan ng mga nagpapatrulyang pulis.

Maayos na ipinaliwanag umano ng otoridad ang umiiral na polisiya na bawal ang paninigarilyo sa lugar pero sa halip na sumunod ay ininsulto nito ang mga pulis at tinangka pang suhulan ang mga otoridad para payagan siyang ituloy ang kanyang paninigarilyo na nagresulta ng kanyang pagkakaaresto.

Pinuri naman ni Southern Police District (SPD) District Director Brigaider General Roderick D. Mariano ang Taguig PNP sa pagpapatupad ng batas at hindi matatawarang pagganap ng kanilang tungkulin.

“These commendable officers resisted attempts of bribery and steadfastly enforced the rightful laws, embodying the highest standards of professionalism. He also emphasized the importance of these actions in maintaining the public’s trust in law enforcement. By rejecting bribes and adhering strictly to legal protocols, these officers have not only upheld their professional ethics but have also reinforced the community’s confidence in the police force,” sabi ni BGen Mariano. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *