Mandatory repatriation hindi pa ipatutupad sa Israel

Mandatory repatriation hindi pa ipatutupad sa Israel

Hindi pa irerekomenda ang pagpapatupad ng mandatory repatriation sa Israel sa kabila ng pagkasawi ng dalawang Pinoy dahil sa pag-atake ng Hamas.

Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Philippine Ambassador to Israel Israel Pedro Laylo Jr. na ang dalawang Pinoy ay nasawi noong Sabado na unang araw na pag-atake ng Palestinian Islamist group na Hamas.

Simula aniya noong araw na iyon ay bahagya naman ng bumuti ang sitwasyon sa Israel.

Samantala sinabi ni Laylo na hiniling ng pamilya ng mga nasawi na huwag ng isapubliko ang pangalan ng mga ito at iba pang detalye kaugnay sa kanilang pagkamatay.

Ang tanging impormasyon na ibinigay ni Laylo ay ang isang nasawi ay 33 anyos na Pinay mula Pangasinan at isang 42 anyos na lalaki na mula Pampanga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *