Singil sa kuryente ng Meralco tataas ngayong buwan
Tataas ng P0.42 kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Oktubre.
Ayon sa Meralco, ito ay dahil sa pagtaas ng generation, transmission at universal charges.
Para sa mga may konsumo na 200kwh, tinatayang P84 ang dagdag sa kanilang bill.
Para sa mga may konsumo na 300kwh, tinatayang P126 ang dagdag sa bill.
Para naman sa mga may konsumo na 400kwh, tinatayang P168 ang dagdag sa bill.
At para sa mga may konsumo na 500kwh, tinatayang P210 ang dagdag sa bill.
Magre-reflect ang bawas singil sa October bill ng consumers. (DDC)