Guadiz dapat tuluyan ng sibakin sa puwesto ayon sa grupong Manibela

Guadiz dapat tuluyan ng sibakin sa puwesto ayon sa grupong Manibela

Hindi kuntento ang transport group na ‘Manibela’ sa ginawang pagsuspende ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Teofilo Guadiz III bilang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi ni Mar Valbuena ng national president ng Samahang Manibela, mas mainam sana kung tuluyan ng sinibak sa puwesto ng pangulo si Guadiz.

Sinabi ni Valbuena na mismong dati nitong staff ang nagdawit sa kaniya sa isyu ng korapsyon kaya mabigat ang kinakaharap niyang akusasyon.

Noong Lunes, Oct. 9 lumantad sa media ang nagpakilalang dating information team head ng LTFRB na si Jeff Gallos Tumbado.

Ayon kay Tumbado, balot ng katiwalian ang PUV Modernization Program ng LTFRB.

Partikular na tinukoy ni Tumbado ang paghingi ng LTFRB ng P5 million para sa pagproseso ng prangkisa, special permit, o modification ng ruta.

Naniniwala si Valbuena na dapat ay Senado o Kamara ang magsagawa ng imbestigasyon sa korapsyon sa LTFRB at hindi ang mismong ang ahensyang humahawak sa dito dahil baka mauwi lamang sa white wash ang imbestigasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *