Balut Island sa Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng pagyanig ay naitala sa layong 223 kilometers southeast ng Balut Island, Sarangani, 8:04 ng umaga ng Miyerkules (Oct. 11).
May lalim na 172 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing pagyanig.
Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)