Atty. Mercy Paras Leynes itinalaga bilang OIC chairperson ng LTFRB
Itinalaga bilang officer-in-charge sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) si Atty. Mercy Paras Leynes.
Si Leynes ay miyembro ng board ng LTFRB.
Sa nilagdaang special order ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista, iniutos ang pagiging LTFRB OIC chairperson ni Leynes.
Ito ay makaraang patawan ng suspensyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Teofilo Guadiz III.
Ang suspensyon kay Guadiz ay kasunod ng paglantad ng dati nitong staff na nagsasabing talamak ang korapsyon sa ilalim ng kaniyang pamamahala sa LTFRB. (DDC)