Sabay-sabay na kampanya kontra ilegal na droga sa prison and penal farms sa bansa, pinagtibay

Sabay-sabay na kampanya kontra ilegal na droga sa prison and penal farms sa bansa, pinagtibay

Nilagdaan ngayong October 10 ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pakikipagtulungan ng National Intelligence Coordinating Council (NICA), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang memorandum of agreement para sa sabay-sabay na anti-illegal drug campaign at pagpapanatili ng kooperasyon at kolaborasyon sa paglaban ng droga sa loob at labas ng prison and penal farms sa bansa.

Kabilang sa mga pumirma sa MOA sina BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., Assistant Director General for CounterIntelligence Rolando E. Asuncion na kinatawan ni NICA Dir. General Ricardo F. De Leon, NBI Dir. Atty. Medardo G. de Lemos, PNP Chief, PGen. Benjamin C. Accords Jr. at PDEA Dir. Gen. Moro Virgilio M. Lazo upang bigyang-daab ang paglikha ng Inter-Agency Collaborative Group (IACG) laban sa drug trafficking sa correctional and prison facilities at penal farms ng BuCor.

Sa kabila ng ipinaiiral na mahigpit na seguridad ayon kay Catapang ang BuCor ay patuloy na nakaka-enkwentro ng pagpasok ng kontrabando gaya ng mapanganib na droga, Controlled Precursors and Essential Chemicals (CPECs) at drug paraphernalia sa mga pasilidad ng kulungan kaya kailangan ang kolaborasyon ng ibang ahensiya ng gobyerno bilang mahalagang hakbang sa pagresolba ng maraming isyu ukol sa paggamit ng ilegal na droga at pagpupuslit nito sa BuCor facilities.

Sa pamamagitan aniya ng pinagtibay na kasunduan ay masisiguro na hindi na makikinabang ang persons deprived of liberties (PDLs), drug personalities o maging ng sindikato mula sa kanilang ilegal na aktibidad sa droga at tuluyang masira ang pinansiyal nilang kakayanan upang hindi na makapagsagawa ng mga pagpupuslit ng ipinagbabawal na droga.

Sinabi pa ni Catapang na 70 hanggang 80 porsiyento buhat sa mahigit 50,000 PDLs nationwide are in prison due to drug related cases.

Ang mga ilegal na droga aniya ang itinuturing na pinakamatinding problema sa loob ng 100-taon o siglo bukod sa suliranin sa pagkain kaya marapat nating harapin ang pinaka-ulo nito upang matugunan at maresolba ito.

Sa ilalim ng MOA,itatayo ang Operations Center sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City para maayos ang pagpapatupad ng mga layunin, tungkulin at responsibilidad ng IACG at wasto ang pagsasagawa at implementasyon ng mga probisyon ng R.A. 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002).

Nakatuon ang operation center sa pagkalap ng intelihensiya,pagmomonitor at umaksyon upang mapigilan ang mga ilegal na aktibidad sa droga sa loob ng NBP, at ibang prison facilities and penal farms.

Ang nasabing kooperasyon at malapit na ugnayan ng mga ahensiya ay nasa ilalim ng paggabay ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para labanan ang ilefal na droga sa Bucor at tumalima sa rekomendasyon ng Senado at Kongreso na wakasan ang illegal drugs activities sa BuCor ayon pa kay Catapang.

Saklaw ng kasunduan ang BuCor facilities sa NBP, Correctional Institution for Women (Muntinlupa City), lwahig Prison and Penal Farm (Puerto Princesa City, Palawan), Sablayan Prison and Penal Farm (Occidental Mindoro), Leyte Regional Prison (Abuyog, Leyte), San Ramon Prison and Penal Farm (Zamboanga City), at Davao Prison and Penal Farm (B.E. Dujali, Davao del Norte).(Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *