Estudyante na may kondisyong ‘dwarfism’ nagtapos ng cum laude; pinarangalan ng Antipolo LGU

Estudyante na may kondisyong ‘dwarfism’ nagtapos ng cum laude; pinarangalan ng Antipolo LGU

Kasama ang isang nagtapos na estudyante na may kondisyong dwarfism sa mga nabigyan ng pagkilala ng Antipoli City LGU makaraang magtapos ng may flying colors.

Ayon sa City Government, si Vincent Samon ay na-diagnose na mayroong “achondroplasia”, isang uri ng orthopedic disability na resulta ng hindi pangkaraniwang pag develop ng mga buto na karaniwang tinatawag na “dwarfism”.

Nabigyan ng pagkakataon si Vincent na mapabilang sa PWD Scholarship Program ng City government at nag-aral ng kursong BS Accountancy sa De La Salle College of St. Benilde.

Kamakailan nagtapos si Vincet ng Cum Laude sa nasabing eskwelahan.

Si Vincent kasama ang iba pang Kabataang Antipoleño na nagtapos with flying colors ay pinagkalooban ng insentibo.

Ayon sa City Govt. nagtatrabaho na si Vincet sa isang sikat na Audit Firm at nakakatulong na rin sa kaniyang pamilya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *