Samu’t saring basura sa Manila Bay nakolekta ng MMDA

Samu’t saring basura sa Manila Bay nakolekta ng MMDA

Iba’t ibang uri ng mga basura ang nahakot at nakolekta ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa dalampasigan sa Manila Baywalk Dolomite Beach.

Sa isinagawang coastal clean-up drive ng MMDA Metro Parkways Clearing Group (MPCG) sa lugar ay umabot sa umabot sa kabuuang 2.72 cubic meters na mga basura ang kanilang nahakot.

Panawagan ng ahensiya sa publiko na aktibong lahukan ang aktibidad ng paglilinis sa Manila Bay.

Ayon sa MMDA,maraming mga hakbang para makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa Manila Bay tulad ng hindi pag- iiwan ng kalat sa lugar, pag-reuse, reduce, at recycle ng mga kagamitan para mabawasan ang mga basura na napupunta sa mga waterways o daluyan ng tubig.

Binigyang-diin pa ng ahensiya ang pagkakaroon ng disiplina at pagiging responsableng mamamayan ang susi para magkaroon ng malinis at ligtas na kapaligiran. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *