EDSA-Ayala tunnel pinailawan ng MMDA
Maliwanag na ang kahabaan ng EDSA-Ayala Tunnel matapos buksan ang mga bagong streetlights na inilagay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ang paglalagay ng bagong streetlights sa Ayala Tunnel ay isa sa mga inisyatibo ng MMDA Traffic Engineering Center at Traffic Signal Operations and Maintenance Division.
Nabatid na naglagay ang ahensiya ng 150 watts light-emitting diode (LED) na mayroong 24,000 lumens na energy-efficient.
Layunin ng LED Tunnel Lighting Projects na masigurado ang kaligtasan ng mga motorista sa pamamagitan ng pagpapalit at pag-upgrade ng mga kasalukuyang lighting system.
Ang EDSA-Ayala ay kabilang sa limang tunnel projects ng MMDA. (Bhelle Gamboa)