HUC bid ng SJDM suportado ng LMP-Bulacan Chapter

HUC bid ng SJDM suportado ng LMP-Bulacan Chapter

Suportado ng Liga ng mga Munisipalidad sa Pilipinas (LMP) sa Bulacan ang pagsusulong sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) bilang isang Highly Urbanized City (HUC) sa lalawigan ng Bulacan.

Sa inilabas na manipesto ng LMP Bulacan, sinabi ng mga ito na pasok sa criteria bilang HUC ang lungsod ng San Jose Del Monte.

Nakasaad sa section 452 ng Republic Act No. 7160 ng Local Governmrnt Code of 1991 na ang isang lungsod na may minimum population na 200,000 na nakatira at certified ng Philippine Statistic Authority (PSA) at may annual income na 50-milyon batay sa 1992 constant prices na pinatotohanan ng kanilang treasurer ay maaaring i-classify na isang highly urbanized city.

Ayon sa LMP-Bulacan, natugunan ng SJDM ang mga requirements na nakasaad sa section 452 ng RA 7160 kaya’t kwalipikado ito bilang isang HUC.

“ Sapagkat ang Lungsod ng San Jose Del Monte Bulacan ay nakatugon sa mga requirements na nakasaad sa ilalim ng section 452 ng Republic Act no.7160 para sa isang lungsod na maging isang highly-urbanized city, buo ang tiwala ng Liga ng mga Municipalidad sa Pilipinas (Bulacan chapter) sa pagsuporta saLungsod ng San Jose Del Monte Bulacan,” laman ng manipesto ng LMP. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *