Korte Suprema inatasan ang BDO na bayaran ng P8B ang kliyente nito dahil sa insidente ng unauthorized withdrawals

Korte Suprema inatasan ang BDO na bayaran ng P8B ang kliyente nito dahil sa insidente ng unauthorized withdrawals

May pananagutan ang mga bangko sa mga insidente ng unauthorized withdrawals sa account ng kanilang mga kliyente.

Ito ang naging pasya ng Supreme Court 3rd Division sa kasong kinasasangkutan ng Banco de Oro Universal Bank, Inc. (BDO) matapos makaranas ng unauthorized withdrawals ang kanilang kliyente.

Sa desisyon ng korte, ibinasura nito ang Petition for Review on Certiorari na inihain ng BDO na kumukwestyon sa naging rulings ng Court of Appeals (CA) at ng Regional Trial Court (RTC) kung saan napatunayang may pananagutan ang bangko sa pagkawala ng pera ng kanilang depositor na si Liza A. Seastres.

Ayon sa SC, tama ang naging findings ng mababang korte na nagsabing nabigo ang BDO na magampanan ang kanilang tungkulin sa pag-iingat sa bang accounts ni Seastres.

Ayon sa SC, obligasyon ng mga bangko na pangalagaan ang account ng kanilang  depositors.

Sa ksao ni Seastres, sinabi ng SC na nabigo ang BDO na sundin ang sarili nilang rules and regulations kaugnay sa ‘withdrawals’ sa pamamagitan ng ‘representative’.

Batay sa regulasyon ng BDO, ang withdrawals ay dapat gawin ng depositor sa pamamagitan ng pag-fill up sa withdrawal slip. Kung ang pag-withdraw ay gagawin ng ibang tao o kinatawan ng depositor dapat ay mayroong written authorization na beberipikahin ng bank teller.

Sa kaso ni Seastres, pinayagan ng BDO ang isang Anabelle Banaje na makapag-transact at makapag-withdraw ng walang kumpirmasyon na otorisado ito ni Seastres.

Dahil dito, inatasan ng SC ang BDO na magbayad ng P8,000,000 kay Seastres para sa moral damages, attorney’s fees, at cost of suit. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *