LTFRB chair Guadiz pinatawan ng suspensyon ni Pangulong Marcos

LTFRB chair Guadiz pinatawan ng suspensyon ni Pangulong Marcos

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III.

Kasunod ito ng mga alegasyon ng korapsyon sa ahensya sa ilalim ng pamamahala ni Guadiz.

Ayon sa pahayag na ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO) hindi kinukunsinti ng pangulo ang anumang misconduct sa kaniyang administrasyon.

Ipinag-utos din ng pangulo ang agarang imbestigasyon sa usapin.

Noong Lunes, Oct. 9 lumantad sa media ang nagpakilalang dating information team head ng LTFRB na si Jeff Gallos Tumbado.

Ayon kay Tumbado, balot ng katiwalian ang PUV Modernization Program ng LTFRB.

Partikular na tinukoy ni Tumbado ang paghingi ng LTFRB ng P5 million para sa pagproseso ng prangkisa, special permit, o modification ng ruta. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *