Maliliit na agri-business na kumikita ng hindi lalagpas sa P1M kada taon, exempted sa pag-iisyu ng resibo
Binigyan ng exemption ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga agri-business na ang kinikita ay hindi lalagpas sa P1 million sa isang taon.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., hindi na kailangang mag-isyu ng resibo ang mga supplier, producers, sellers, contract growers, at millers ng Agricultural Food Products kung ang kanilang annual gross sales ay hindi naman lumalagpas ng P1 million.
Sakop ng kautusan ang mga magsasaka.
Sinabi ni Lumagui na ito ay tulong ng BIR sa mga magsasaka at maliliit na negosyante. (DDC)