Libreng Sakay program ibabalik ng LTFRB simula sa Nobyembre
Ibabalik ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Libreng Sakay program nito sa EDSA Bus CArousel at sa mga pampasaherong jeep.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, ang Libreng Sakay ay ibabalik simula sa Nobyembre hanggang sa katapusan ng taon.
Ito ay makaraang maaprubahan ang pagpapalabas ng P1.3 billion na pondo para sa service contracting program.
Ang mga sasakyan na magbibigay ng Libreng Sakay ay bibiyahe sa EDSA at sa iba pang bahagi ng Metro Manila.
Sinabi ni Guadiz na muling maglalabas ng update ang LTFRB hinggil sa iba pang impormasyon kaugnay sa ipatutupad na programa. (DDC)