LPA sa labas ng bansa magpapaulan sa Mindanao at bahagi ng Visayas

LPA sa labas ng bansa magpapaulan sa Mindanao at bahagi ng Visayas

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA na nakaaapekto sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang buntot ng LPA ay magpapaulan sa Mindanao, Eastern Visayas, at Central Visayas ngayong Lunes, Oct. 9.

Ang trough o extension din ng LPA at localized thunderstorms ang maaari namang magdulot ng isolated na pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

Nasa labas pa ng bansa ang LPA pero inaasahang papasok ito ng bansa sa susunod na 24 hanggang 48 oras.

Samantala, isang severe tropical storm na may international name na Bolaven ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Huling namataan ang nasabing bagyo sa layong 2,830 kilometers east ng Eastern Visayas.

Ayo sa PAGASA, hindi naman ito inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR). (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *