Pagbiyahe ng mga Pinoy patungong Israel inirekomendang ipagpaliban muna

Pagbiyahe ng mga Pinoy patungong Israel inirekomendang ipagpaliban muna

Inirekomenda ng Philippine Embassy sa Israel ang pagsuspinde sa pagbiyahe ng mga Pinoy patungo sa nasabing bansa.

Sa inilabas na travel advisory, sinabi ng embahada na dahil sa security situation, inirerekomenda ng embahada na ipagpaliban muna ang pagbiyahe mula Pilipinas patungong Israel.

Ito ay hangga’t hindi bumubuti ang sitwasyon sa nasabing bansa.

Ayon sa embahada, nananatili namang operational ang Ben Gurion International Airport kaya ang mga Pinoy sa Israel na nais umuwi ng Pilipinas ay maaaring makabiyahe.

Pinapayuhan naman ang mga mayroong kumpirmadong flights na i-check muna sa kanilang travel agency kung tuloy ang schedule ng flight dahil sa mga posibilidad ng flight cancellations.

Araw ng Lunes, Oct. 9 ay nag-resume na ang operasyon ng Philippine Embassy sa Tel-Aviv.

Gayunman, limitado lamang ang serbisyo hanggang alas 3:00 ng hapon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *