Kaligtasan ng mga Pinoy sa Israel pinatitiyak ni Pang. Marcos
Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Israel.
Inatasan ng pangulo ang mga ahensya ng gobyerno na siguruhin ang kaligtasan at kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at Filipino community sa Israel bunsod ng nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militant group na Hamas.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ipartikular na iniutos ng pangulo sa mga ahensya ang masusing pakikipag-ugnayan ng mga ahensya sa Philippine Embassy sa Tel Aviv at sa Migrant Workers Office (MWO) sa Israel.
Agad ding inatasan ng pangulo ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na i-locate at i-account ang mga OFW sa Israel at kanilang pamilya. (DDC)