Embahada ng Pilipinas sa Israel pansamantalang isinara
Isinara ang embahada ng Pilipinas sa Israel matapos ang paglulunsad ng rocket ng militant group na Hamas.
Sa abiso ng embahada, sarado muna ang tanggapan simula araw ng Linggo, Oct. 8, 2023.
Ito ay dahil sa security situation sa lugar.
Naglabas naman ng emergency number ang embahada para sa mga Pinoy na mangangailangan ng agarang tulong.
Maaring tumawag sa emergency number na +927-54-4661188.
Una ng inabisuhan ng embahada ang mga Pinoy sa Israel na maging maingat at sumunod sa itinakdang guidelines ng Home Front Command ng nasabing bansa.
Partikular na pinag-iingat ang mga Pinoy na naninirahan malapit sa Gaza Envelope, Western Negev, Central Negev, Western Lachish, Lachish Area, Shfelat Yehuda Area, HaShfela Area, Yarkon Area, Dan Area, Sharon Area, at Jerusalem Area. (DDC)