Pilipinas nasa pang-22 pwesto sa medal tally ng ASIAN Games
Nasa pang-22 puwesto ang Pilipinas sa nagpapatuloy na Asian Games 2023 sa Hangzhou, China.
Mayroong labingapat na medalya ang Team Philippines kabilang ang 2 gold, 2 silver at 10 bronze.
Nangunguna pa din sa puwesto ang China na mayroong 333 medals kabilang ang 179 gold medals, kasunod ang Japan na mayroong 158 na medalya kabilang ang 44 medals.
Habang nasa ikatlong puwesto ang Republic of Korea na mayroong 157 medals kabilang 33 gold medals. (DDC)