Mahigit 200 Pinoy posibleng nabiktima ng illegal recruitment sa Italy; ibinayad na halaga umabot ng P40M

Mahigit 200 Pinoy posibleng nabiktima ng illegal recruitment sa Italy; ibinayad na halaga umabot ng P40M

Binalaan ng Philippine Consulate Office sa Milan ang mga Pinoy na maging maingat sa mga nag-aalok ng trabaho sa Italy.

Paalala ng konsulada, huwag makipagtransaksyon sa mga indibidwal o mga ahensya na nag-aalok ng trabaho para sa mga Pilipino sa Italya upang maiwasang maging biktima ng pandaraya at illegal recruitment.

Ayon sa konsulada, nakatatanggap ito ng mga reklamo ng panloloko at illegal recruitment mula sa mga Pilipinong nagbayad ng napakataas na halaga sa ilang indibidwal at ahensya para sa mga non-existent jobs sa Italya sa ilalim ng programang “decreto flussi” ng gobyerno ng Italy.

Batay sa mga nakalap na impormasyon ng konsulada, hindi bababa sa 223 na indibidwal ang posibleng naloko at umabot sa P40 million ang sangkot na halaga.

Hinikayat ng konsulada ang mga nabiktima na makipag-ugnayan sa numerong +393896835076 o email na atn.consolato.ph@gmail.com

Una ng inanunsyo ng gobyerno ng Italy na tatanggap ito ng 452,000 foreign nationals para sa seasonal at non seasonal na trabaho sa kanilang bansa sa susunod na tatlong taon sa ilalim ng programang “decreto flussi”. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *