Unemployment rate bumaba noong buwan ng Agosto; 2.21 million na Pinoy na walang trabaho naitala ng PSA
Bumaba pa noong buwan ng Agosto ang naitalang unemployment rate ng Philippine Statistics Authoroity (PSA).
Sa Labor Force Survey ng PSA, sinabi ni National Statistician at PSA chief Dennis Mapa, lumitaw na mayroong 2.21 milllion na Pinoy ang walang trabaho noong Agosto.
Mas mababa kumpara sa 2.27 million noong Hulyo.
Kumakatawan ito sa 4.4 percent na unemployment rate.
Nakapagtala namamn ang PSA ng 48.07 million na Pinoy na may trabaho noong Agosto.
Mas mataas kumpara sa 44.63 million noong Hulyo.
Kumakatawan naman ito sa 95.6 percent na employment rate. (DDC)