Pagbawi ni Pangulong Marcos sa pag-iral ng price cap sa bigas, ikinatuwa ng grupo ng mga magsasaka
Ikinatuwa ng grupo ng mga magsasaka ang pasya ni Panguong Ferdinand Marcos Jr. na bawiin na ang umiiral na price cap sa bigas.
Sa isang panayam sinabi ni Raul Montemayor, national manager ng Federation of Free Farmers, magandang senyales ito lalo ngayong nalalapit na ang kasagsagan ng panahon ng anihan.
Sinabi ni Montemayor, noong ipinataw ang price cap ay ginamit itong dahilan ng mga rice trader para ibaba ang presyo ng palay na kinukuha nila sa mga magsasaka.
Sa pagbawi sa price cap, sinabi ni Montemayor na garantiya ito sa mga magsasaka na hindi babagsak ang presyo ng palay.
Sa ngayon sinabi ni Montemayor na may mangilan-ngilan ng nakapag-ani ng kanilang pananim na palay at sa buwan ng Oktubre at Nobyembre ang kasagsagan ng ani. (DDC)