LTO may sapat ng suplay ng plastic cards para sa driver’s license

LTO may sapat ng suplay ng plastic cards para sa driver’s license

Naglabas ng renewal dates ang Land Transportation Office (LTO) para sa mga driver’s license na nag-expire mula noong Apr. 1, 2023 hanggang Sept. 30, 2023.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, mayroon ng sapat na plastic cards para sa pag-imprenta ng driver’s license.

Sa inisyung memorandum ng LTO sa mga Regional Directors, heads ng district offices at ba pang opisyal, itinakda ang sumusunod na schedule para sa renewal ng mga na-expire na lisensya:

· Para sa Driver’s License na na-expire mula April 1 to 30, ang scheduled renewal dates ay mula October 6 hanggang 31, 2023;
· Para sa Driver’s License na na-expire mula May 1 to 31, ang scheduled renewal dates ay mula November 1 to 30, 2023;
· Para sa Driver’s License na na-expire mula June 1 to 30, 2023, ang scheduled renewal dates ay mula December 1 to 31, 2023;
· Para sa Driver’s License na na-expire mula July 1 to 31, 2023, ang scheduled renewal dates ay mula January 1 to 31, 2024;
· Para sa Driver’s License na na-expire mula August 1 to 31, 2023, ang scheduled renewal dates ay mula February 1 to 29, 2024;
· At para sa Driver’s License na na-expire mula September 1 to 30, 2023, ang scheduled renewal dates ay mula March 1 to 31, 2024.

Ang pagtatakda ng petsa ay para maiwasan ang pagdagsa ng mga magre-renew sa LTO offices.

Sa mga nakapag-renew na ng kanilang lisensya at naisyuhan ng paper-printed driver’s license sinabi ni Mendoza na kailangan lamang nilang bumalik sa licensing office at ipakita ang resibo na kanilang pinagbayaran para mabigyan sila ng plastic version ng driver’s license. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *