Pagbangga ng foreign vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy, posibleng aksidente ayon sa PCG

Pagbangga ng foreign vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy, posibleng aksidente ayon sa PCG

Aksidente ang pagkakabangga ng isang foreign oil tanker sa bangka na sinasakyan ng mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ito ay base sa mga inisyal na impormasyon na kanilang hawak.

Sinabi ni Tarriela na base sa salaysay ng mga nakaligtas na mangingisda, masyadong madilim at hindi maganda ang panahon ng mangyari ang insidente kaya maaaring hindi sila napansin ng barko.

Nilinaw din ni Tarriela na ang pinangyarihan ng aksidente ay nasa 180 nautical miles ng Agno, Pangasinan at hindi mismo sa Bajo de Masinloc gaya ng unang inilabas sa kanilang report.

Una ng sinabi ng PCG na walang kaugnayan sa tensyon sa West Philippine Sea ang nangyari na ikinasawi ng tatlong mangingisdang Pinoy. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *