Bagyong Jenny lumakas pa; Signal No. 3 nakataas pa rin sa Batanes
Lumakas pa ang Typhoon Jenny habang ito ay papalapit sa Southern Taiwan.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 140 kilometers north northwest ng Itbayat, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.
Natakaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa Batanes.
Habang Signal No. 2 naman sa nalalabing northern portion ng Babiyan Islands.
Nakataas naman ang Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:
– rest of Babuyan Islands
– northern portion of mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Santa Teresita, Lal-Lo, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Gattaran)
– northern portion of Apayao (Calanasan, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Flora)
– northern portion of Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Bacarra, Adams, Pasuquin, Carasi, Dumalneg, Laoag City)
Ayon sa PAGASA, palalakasin din ng bagyo ang Habagat na magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Ngayong araw (Oct. 5) makararanas ng pag-ulan dahil sa Habagat sa southern portion ng Aurora, Romblon, ilang bahagi ng CALABARZON, Metro Manila, Bataan, at Bicol Region.
Inaasahang lalabas ng bansa ang Typhoon Jenny ngayong araw ng Huwebes. (DDC)