BuCor personnel sumabak sa orientation at hands-on seminar
Nakumpleto na ng mga tauhan mula sa iba’t ibang opisina ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 2-day immersive orientation at hands-on seminar ukol sa OneBuCor Portal at Inmate Management and Information System (IMIS) na ginanap sa Social Hall and New Conference Room ng New Bilibid Prison (NBP) Compound sa Muntinlupa City.
Inihayag ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na layunin ng IMIS seminar na bigyan ng kaalaman at mga advance na kasanayan ang kanyang mga tauhan sa paggamit ng OneBuCor Portal at IMIS Platform na mahalaga sa sistema ng mga operasyon sa mga opisina nito.
Nagbigay ng mahahalagang impormasyon at mga karanasang kapupulutang aral para sa lahat ng partisipante sina Information Technology experts CO1 Alvin Deang at CTO1 Ernest Tristan Macabata.
Nagbahagi sila ng mga pananaw, uso at pinakamagagandang gawain sa implementasyon ng IMIS. Sa kanilang presentasyon ay binigyang importansiya ang data accuracy, security at accessibility na nag-iwan ng mas malalim na pagka-unawa sa system’s portal at natuto ang BuCor personnel sa hands-on session patungkol sa praktikal na gabay sa paggamit ng IMIS interface, data entry, at karaniwang isyu sa troubleshooting.
Ipinagpasalamat ng mga tauhan ng ahensiya ang natanggap na komprehensibong pagsasanay na may kinalaman sa IMIS na magagamit nila sa araw-araw nilang trabaho.
Sa pamamagitan ng epektibo at hindi matatawarang liderato ni Catapang, naging matagumpay ang seminar na nag-iwan ng legasiya ng inspirasyon at transpormasyon o pagbabago.
Ang kanyang pinapangarap na liderato ay mahalagang tungkulin na magsisilbing instrumento sa makabagong mga solusyon para pamahalaan ang mga inmate. (Bhelle Gamboa)