Oil Tanker na may watawat ng Marshall Islands nakitang dumikit sa bangkang sinasakyan ng 3 nasawing mangingisdang Pinoy

Oil Tanker na may watawat ng Marshall Islands nakitang dumikit sa bangkang sinasakyan ng 3 nasawing mangingisdang Pinoy

Isang Oil Tanker na mayroong bandila ng Marshall Islands ang tinitignan ng Philippine Coast Guard (PCG) na posibleng nakabangga sa FFB Dearyn na sinasakyan ng tatlong nasawing mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc.

Batay sa Maritime Traffic Data na inilabas ng PCG ang MT Pacific Anna, isang Marshall Islands-flagged crude oil tanker ang nakitang dumaan sa lugar kung saan naroroon ang FFB Dearyn.

Sinabi ng PCG na agad tinignan ang marine traffic matapos ang ginawang cross-referencing sa mga nakaligtas na mangingisda at matapos makuha ang petsa at oras kung kailan nangyari ang insidente.

Sinabi ng PCG na makikipag-ugnayan ito sa Marshall Islands para mabigyang linaw ang insidente.

Aalamin din kung anong pantalan ang susunod na pupuntahan ng naturang oil tanker. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *