Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 5.7 na lindol
Tumama ang magnitude 5.7 na lindol sa lalawigan ng Cagayan.
Ang epicenter ng lindol ay naitala ng Phivolcs sa layong 17 kilometers northeast ng Dalupiri Island, 11:35 ng umaga ng Miyerkules (Oct. 4).
May lalim na 17 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Intensities:
Intensity V
– Calayan, CAGAYAN
Intensity IV
– Lacub, ABRA
– Adams, Bacarra, Bangui, Burgos, Carasi, Dumalneg, Laoag City, Pagudpud, Pasuquin, San Nicolas, at Sarrat, sa ILOCOS NORTE
– Peñablanca, Piat, Santo Niño, Solana, at Tuguegarao City, sa CAGAYAN
Intensity III
– Licuan-Baay, ABRA
– Balbalan, Lubuagan, at Pasil sa KALINGA
– Batac City, Currimao, Marcos, Paoay, at Pinili sa ILOCOS NORTE
Intensity II
– Nueva Era, ILOCOS NORTE
– Basco, BATANES
– Angadanan, Cabagan, Maconacon, San Mariano, at San Pablo sa ISABELA
Intensity I
– Delfin Albano, ISABELA
Ayon sa Phivolcs posibleng magdulot ng aftershocks ang naturang pagyanig. (DDC)