Pangulong Marcos tiniyak na pananagutin ang nakabangga sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc

Pangulong Marcos tiniyak na pananagutin ang nakabangga sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc

Inaalam na ng pamahalaan kung anong barko ang nakabangga sa bangkang sinasakyan ng tatlong nasawing mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc.

Sa pahayag, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakalulungkot ang sinapit ng tatlong mangingisda.

Nagsasagawa na aniya ng imbestigasyon para matukoy kung ano ang nangyari.

Sinabi rin ni Marcos na inaalam na ng Philippine Coast Guard ang mga barko na na-monitor sa lugar bilang bahagi ng imbestigasyon.

Siniguro ng pangulo sa pamilya ng mga biktima na pananagutin ang sinumang responsable sa insidente.

Tiniyak din nito na bibigyan ng tulong ang mga biktima at kanilang pamilya.

Una ng sinabi ng PCG na isang “unidentified commercial vessel” ang nakabangga sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph