P1 provisional fare increase ipatutupad sa mga pampasaherong jeep simula sa Oct. 8 – LTFRB

P1 provisional fare increase ipatutupad sa mga pampasaherong jeep simula sa Oct. 8 – LTFRB

Simula sa Linggo, October 8 ay magpapataw ng P1 dagdag singil sa pamasahe sa mga pampasaherong jeep sa buong bansa.

Ito ay makaraang aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inihaing petisyon ng ilang transport group na humihiling na dagdagan ang pamasahe sa jeep bunsod ng sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Kabilang sa inihaing petisyon sa LTFRB ang hirit na na limang pisong (P5.00) taas-pasahe sa unang apat (4) na kilometro at piso (P1.00) para sa mga susunod na kilometro.

Gayunman, sa ginawang nasabing pagdinig ng ahensya tanging ang petisyon na pisong (P1.00) pansamantalang taas-pasahe o provisional fare increase lamang ang inaprubahan ng LTFRB.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, napagdesisyunan ng LTFRB Board na simulan sa Oct. 8 ang karagdagang piso (P1.00) sa minimum fare sa mga jeep.

Dahil dito ay magiging labing-tatlong piso (13.00) na ang pamasahe sa traditional na jeep at labing-limang piso (P15.00) ang minimum na pamasahe sa mga Modern PUJ sa buong bansa.

Wala namang dagdag sa succeeding kilometers.

Ayon kay Guadiz, ipatutupad ang nasabing taas-pasahe sa habang dinidinig pa ng ahensya ang pangunahing petisyon ng mga transport group. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *