Bagyong Jenny bahagyang humina; Signal No. 3 nakataas sa Itbayat, Batanes
Bahagyang humina ang Typhoon Jenny habang nananatili sa karagatan ng bansa.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 270 kilometers east northeast ng Itbayat, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Natakaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa Itbayat, Batanes.
Habang Signal No. 2 naman sa nalalabing bahagi ng Batanes at sa northern portion ng Babuyan Islands.
Nakataas naman ang Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:
– rest of Babuyan Islands
– the northern portion of mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Santa Teresita, Lal-Lo, Camalaniugan, Pamplona, Claveria, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Gattaran)
– northern portion of Apayao (Calanasan, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Flora)
– northern portion of Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Bacarra, Adams, Pasuquin, Carasi, Dumalneg, Laoag City)
Ayon sa PAGASA, palalakasin din ng bagyo ang Habagat na magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Ngayong araw (Oct. 4) makararanas ng pag-ulan dahil sa Habagat sa southern portion ng Aurora, Bataan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Kalayaan Islands, Romblon, malaking bahagi ng CALABARZON, at bahagi ng Bicol Region.
Inaasahang lalabas ng bansa ang Typhoon Jenny sa bukas, araw ng Huwebes. (DDC)