P1.8M natanggap ng mga benepisyaryo ng cash for work ng DSWD sa Mulanay, Quezon

P1.8M natanggap ng mga benepisyaryo ng cash for work ng DSWD sa Mulanay, Quezon

Mahigit 1.8 Million Pesos ang kabuuang halaga na ipinamahagi sa 470 na mga benepisyaryo ng Cash for Work ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang tulong-pinansyal ay ipinagkaloob sa 470 na residente ng bayan kapalit ng kanilang pagtatrabaho na malaking tulong sa kanilang sarili at sa pamayanan.

Ito ay bahagi ng programa ng DSWD sa ilalim ng Risk Resiliency Program for Climate Change Adaptation and Mitigation Disaster Risk Reduction Program.

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P4,000 bawat isa kapalit ng pagsasagawa ng ilang mga aktibidad katulad ng backyard composting, vermi composting, at plastic waste up-cycling sa loob ng sampung (10) araw sa pamamatnubay at pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office katuwang ang Social Waste Management ng Bayan ng Mulanay.

Layunin ng programang ito na mapagtuunan ng pansin ang pangangalaga sa kalikasan gayundin ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Mulanayin na kumita ng pera.

Lubos naman ang pasasalamat nina Mayor Kuya Aris Aguirre, Vice Mayor Jay E. Castilleja, at ng Sangguniang Bayan ng Mulanay sa ahensya ng DSWD sa mga ganitong programa para sa mga residente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *