CDO City LGU nilinaw na walang kaso ng Nipah virus sa lungsod

CDO City LGU nilinaw na walang kaso ng Nipah virus sa lungsod

Walang katotohanan ang mga ulat na mayroong kaso ng “Nipah Virus” sa Cagayan De Oro City.

Sa pahayag ng City Health Office (CHO), walang dahilan para tugunan ang mga panukalang suspendihin ang face-to-face classes sa lungsod dahil sa nasabing sakit.

Ayon kay City Health Officer Dr. Rachel Dilla, sa pahayag ng Philippine Inter-Agency Committee for Zoonoses, nilinaw na walang naitatalang positibong kaso ng Nipah Virus sa bansa.

Ilang unibersidad sa CDO City ang nagsuspinde ng klase makaraang makaranas ng flu-like symptoms ang ilan nilang mag-aaral.

Ang Nipah Virus na kumakalat ngayon sa India ay nakukuha mula sa fruit bats at nagdudulot ng sakit sa baboy, kabayo, at aso.

Maaari din itong makaapekto sa tao kapag nagkaroon ng direct contact sa infected blood, urine, feces, respiratory droplets o saliva o kaya naman ay kapag nakakain ng kontaminadong food products.

Naglabas naman ng abiso si CDO City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy kung saan pinapaalalahanan ang publiko na sundin pa rin ang minimum public health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks at physical distancing. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *