Babaeng vendor tiklo sa P6.8M ‘shabu’ sa Parañaque anti-drug ops

Babaeng vendor tiklo sa P6.8M ‘shabu’ sa Parañaque anti-drug ops

Isang babaeng vendor ang inaresto ng otoridad at nakumpiska ang umano’y P6,800,000 na halaga ng shabu sa isinagawang joint anti-drug operation sa Parañaque City.

Ang suspek ay kinilalang si Norhana Maulana y Sulay, 33-anyos, Ukay-Ukay vendor, ng Barangay Upper Bicutan, Taguig City.

Dakong ala-1:30 ng hapon nitong October 2 ikinasa ang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office IV-A Special Enforcement Team, PDEA NCR-Southern District Office, Parañaque Substation 6 at PNP PDEG SOU NCR laban sa suspek sa parking lot ng isang mall sa Brgy. Don Bosco sa nasabing lungsod.

Tinatayang 1000 gramo ng hinihinalang shabu at buy-bust money ang nakumpiska umano mula sa suspek.

Nasa kustodiya ng PDEA ang suspek at inihahanda na ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban dito. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *