Plastic pet toys delikado sa mga alagang hayop ayon sa toxic watchdog group
Delikado din para sa mga bata at sa mga alagang hayop ang mga squeaky plastic “pet” toys.
Ayon sa toxic watchdog group na BAN Toxics, ang mga squeaky toy ay nabibili sa merkado at nagawa ng kanilang grupo na makabili nito sa Divisoria sa halagang P100.
Ginagamit ito para sa mga alagang hayop.
Ayon sa BAN Toxics, mayroong undisclosed plastic additives sa naturang laruan na maaaring delikado sa tao at sa hayop.
Kabilang dito ang plasticizers gaya ng Phthalates na isang endocrine disrupting chemicals at madalas na ginagamit bilang chemical additive sa mga laruan.
Kaugnay nito ay umapela si Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics sa mga pet owner na maging maingat sa pagbili ng laruan para sa kanilang mga alagang hayop at laging tignan ang labels. (DDC)