Libu-libong bamboo seedlings itinanim sa riverbank ng Mulanay River sa Quezon

Libu-libong bamboo seedlings itinanim sa riverbank ng Mulanay River sa Quezon

Nagtulong-tulong ang mga mag-aaral ng Bondoc Peninsula Agrucultural High School (BPAHS) sa Brgy. Sta. Rosa, Mulanay, Quezon ara malikha ang libu-libong bamboo pots.

Ang mga mga punlang kawayan ay itinanim sa riverbank ng Mulanay River na isa sa itinuturing na maging water source sa ilalim ng proyektong Sustainable Water System ni Mulanay Mayor Aris Aguirre.

Sa pagtutulungan ng Bondoc Peninsula Agricultural High School, LGU Mulanay, kasama ang mga cash-for-work beneficiaries naisagawa ang 3,000 punlang kawayan sa idinaos na bamboo potting activity.

Isa sa mga flagship programs ni Mayor Aris Aguirre, Vice Mayor Jay Esplana Castilleja at Sangguniang Bayan ng Mulanay ang Bamboo Planting & Development sa Bayan ng Mulanay.

Ang pagtatanim ng puno ng kawayan ay isa sa pinaka-sustainable na climate change mitigation effort ng Lokal na Pamahalaan ng Mulanay, dahil ang isang puno ng kawayan ay kayang mag-release 35% ng oxygen, katumbas ng isang nakatayong puno ng kahoy.

Ang kawayan din ang isa sa mga sources ng renewable energy na kilala rin sa tinatawag na bio mass energy na episyente at matipid.

Nais ni Aguirre na sa loob ng tatlo hanggang limang taon ay maging alternatibong kabuhayan ng mga taga-Mulanay ang pagtatanim ng kawayan.

Bagaman sa ngayon, ang pagniniyog ang pangunahing ikinabubuhay ng mga residente, sinabi ni Aguirre na kailangan ng alternatibong maaaring pagkakakitaan dahil sa hindi makontrol na pagbaba ng presyo ng kopras na lubang nakaaapekto sa mga magsasaka ng niyog.

Sinimulan ang programang Bamboo Propagation sa Mulanay noong March 2023.

Target ni Aguirre na makapagtanim ang mga Mulanayin ng 10,000 bamboo seedling bago matapos ang taong 2023. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *