Bagyong Jenny lumakas pa; Signal No. 2 nakataas sa Batanes

Bagyong Jenny lumakas pa; Signal No. 2 nakataas sa Batanes

Lumakas pa ang bagyong Jenny habang nananatili ito sa karagatan ng bansa.

Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 350 kilometers east ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 165 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.

Natakaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes.

Habang Signal No. 1 naman sa sumusunod na mga lugar:

– Cagayan including Babuyan Islands
– northern and eastern portions of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas, Dinapigue, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Quirino, Delfin Albano, Quezon, Mallig)
– Apayao
– northeastern portion of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
– northern portion of Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk)
– Ilocos Norte

Ayon sa PAGASA, palalakasin din ng bagyo ang Habagat na magdudulot ng pag-ulan sa Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.

Ngayong araw (Oct. 3) makararanas ng pag-ulan sa Aurora, Bataan, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, malaking bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas.

Inaasahang lalabas ng bansa ang Typhoon Jenny sa araw ng Huwebes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *