Taylor Swift nanood ng football game ng rumored BF na si Travis Kelce

Taylor Swift nanood ng football game ng rumored BF na si Travis Kelce

Sa kabila ng kaniyang super busy schedule, nabigyan ng oras ni Taylor Swift ang makapanood ng game ng National Football League.

Naglaro ang rumored boyfriend ni Swift na si NFL star Travis Kelce para sa Kansas City Chief kalaban ang New York Jets sa MetLife Stadium sa New York.

Namataan ang pop superstar sa stadium.

Ilang oras bago magsimula ang game, nakita si Kelce na palabas sa apartment ni Swift sa New York.

Kapwa naman hindi pa kinukumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon.

Nakita ding nanood ng liga ang mga aktor na sina Blake Lively, Ryan Reynolds at Hugh Jackman. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *