Bagyong Jenny lumakas pa; isa ng Typhoon ayon sa PAGASA
Lumakas pa ang bagyong Jenny at umabot sa Typhoon category.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 655 kilometers east ng Aparri, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Natakaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– Babuyan Islands
– eastern portion of mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Santa Teresita, Lal-Lo, Baggao, Gattaran, PeƱablanca), – eastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan
Ayon sa PAGASA, palalakasin din ng bagyo ang Habagat na magdudulot ng pag-ulan sa Central Luzon, Southern Luzon, Visayas at Mindanao sa susunod na tatlong araw.
Ngayong araw (Oct. 2) makararanas ng pag-ulan sa MIMAROPA, Western Visayas, at Bicol Region.
Bukas, (Oct 3) ay uulanin naman ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas.
Inaasahang lalabas ng bansa ang Typhoon Jenny sa araw ng Huwebes. (DDC)