Bagyong Jenny lumakas pa, isa ng severe tropical storm ayon sa PAGASA
Lalo pang lumakas ang bagyong Jenny at umabot na sa severe tropical storm category.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 790 kilometers East ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang abgyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay magdudulot ng pag-ulan sa sa mainland Cagayan, Isabela, Quezon kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, at Eastern Samar.
Palalakasin din ng bagyong Jenny ang Habagat na magpapaulan din sa western portions ng Central at Southern Luzon, Visayas at Mindanao sa susunod na tatlong araw.
Inaasahang lalakas pa ang bagyo at aabot sa typhoon category bukas, araw ng Lunes (Oct. 2). (DDC)