Pass-through fee sa mga LGU pinasuspinde ni Pangulong Marcos

Pass-through fee sa mga LGU pinasuspinde ni Pangulong Marcos

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsuspinde ng mga local government units (LGUs) sa paniningil ng pass-through fee para masiguro ang maayos na pagnenegosyo.

Sa tatlong pahinang Executive Order na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin, binawalan muna ang mga LGU na mangulekta ng toll fee at iba pang charges sa mga sasakyan na nagbibiyahe ng mga goods o mechandise.

Sinabi ng pangulo na naaantala ang biyahe ng mga produkto dahi sa paniningil ng pass-through fee na maliban sa pagbabayad ay sinusuri pa o iniinspeksyon pa ang mga sasakyan na may dalang kalakal.

Ang mga trak na may dalang produkto ay nagbabayad sa LGU ng bawat bayan na kanilang dinadaanan.

Ayon sa pangulo, layunin ng EO na maging simple ang proseso sa pagbiyahe ng mga kalakal lalo na sa produktong agrikultura. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *