Epektibo at mabilis na pamamahagi ng social benefits ng mga uniformed personnel iniutos ni Pang. Marcos

Epektibo at mabilis na pamamahagi ng social benefits ng mga uniformed personnel iniutos ni Pang. Marcos

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang epektibong implementasyon ng social benefits para sa mga uniformed personnel.

Ginawa ng pangulo ang pahayag kasabay ng pagkilala sa kontribusyon ng mga sundalo at pulis na nasawi o ‘di kaya ay nasugatan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Ayon sa pangulo, kalakip ng Comprehensive Social Benefits Program (CSBP) ang mga tulong medikal, pinansyal, pang-edukasyon, trabaho, pabahay, at iba pa na nararapat lamang na maibigay sa mga pamilyang naulila ng mga magigiting na kawal.

Dumalo ang pangulo sa idinaos na assembly at thanksgiving event kasama ang mga benepisyaryo ng CSBP sa Davao City.

Sa nasabing pagtitipon ay pinangunahan ng pangulo ang pamamahagi ng special financial assistance, social welfare assistance, shelter assistance, health and medical care assistance, educational assistance, at employment assistance sa pamilya ng mga nasawi o nasugatang sundalo.

Ang pagtitipon ay may temang “PBBM: Pagpupugay Para sa Mga Bayani ng Bansang Makabayan,”.

Kaugnay nito ay inatasan ng pangulo ang mga kinauukulang ahensya na tiyakin ang maayos na implementasyon ng mga ito.

Pinasisiguro ng pangulo na mabilis na maibibigay ang benepisyo at makakarating sa mga nararapat mabigyan nito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *