P3.8B na halaga ng shabu galing Thailand, nakumpiska ng NBI sa Pampanga
Nakumpiska ng mga otoridad ang P3.8 billion na halaga ng ilegal na droga sa Mexico Pampanga.
Nagsagawa ng controlled delivery operation ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs at ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) matapos makumpirma na 560 kilos ng shabu ang laman ng mga kargamento na dumating sa Subic Port noong Sept. 18 galing ng Thailand.
Itinago ang mga kontrabando sa mga kahon at itinago sa red tea bags at golden tea bags.
Bawat box ay may laman ding chicharon at dried fish para hindi maging kahina hinala at maitago ang illegal na droga.
Ang mga kontrabando ay dumating sa Subic Port lulan ng barko.
Inihahanda na ng NBI ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nagpuslit ng ilegalĀ na droga.
Magsasagawa din ang ahensya ng financial investigation sa tulong ng Anti-Money Laundering Council laban sa mga korporasyon na matutukoy na ginagamit para makapagpuslit sa bansa ng illegal drugs. (DDC)