Paglalagay ng girder sa CAVITEX C5 Link R-1 Interchange nakumpleto na
Nakumpleto na ng Cavitex Infrastructure Corporation ang paglalagay ng girder para sa CAVITEX C5 Link R-1 Interchange na matatagpuan malapit sa CAVITEX Paranaque Toll Plaza, na mas maaga sa schedule.
Ang mahalagang pagbabagong ito ay magbibigay ng direktang koneksiyon magmula sa CAVITEX R-1 (Coastal Road) hanggang Sucat Road sa Paranaque City,kung saan iikli ang oras ng biyahe sa 10-minuto.
Target ng proyekto na mabubuksan ito sa first quarter ng taon 2024.
Ang R-1 Interchange ay magsisilbing mahalagang 1.9-kilometer segment (Segment 2) sa mas malawak na CAVITEX C5 Link project. Ito ay 7.7-kilometer, 2×3 lane expressway na magseserbisyo sa 50,000 na motorista na kumukonekta sa CAVITEX R-1 hanggang C5 Road sa Taguig na mas magpapabuti sa galawan o mobilidad ng rehiyon. (Bhelle Gamboa)